Tuesday, April 28, 2009

How to be a REAL DRAMA QUEEN?

Ang maghangad ngisang bagay na lumipas na, ayon sa isang manunulat, ay tulad ng isang pagluluksa. Ang magsulat tungkol sa isang karanasang nakaraan na, ayon s kanila, ay isang kahibangan. Ngunit siguro nga, kelangan muna ng isang taong mawala sa kanyang katinuan para makapaglahad, lalo na sa mga gabing tulad nito kung saan ang paggunita ay nagbubukas ng humihilom na sanang sugat. At hindi mabilang ang mga gabing tulad nito.

Gayunpaman, susulat pa din ako. Sapagkat ako ngayo'y nakakaalaala habang humihilam ang mga luha. Bagaman masakit at nakakatakot ang magbalik- gunita, mas masakit at nakaktakot ang makalimot.
* * *
Sya si Morn. Walong taon ang agwat ng edad namin, mahigit isang taon kaming naging magkasintahan at halos dalawang taon ko na syangpinipilit kalimutan.
Sa bawat pagkakataong sasabihin kong mahal ko sya, sabay-sabay na nagsasalimbayan ang mapapait na alaala...
* * *
Mangiyak ngiyak na ko nun ng may dalawang oras ko syang hinintay sa labas ng cathedral. Nag-aya syang lumabas kami. "Sumimba muna tayo," suhestyon ko naman. Um-oo sya. Alas-siyete ang simula ng misa at oras ng tagpuan namin pero mag-aalas-nuebe na nang magtext sya. Sorry daw, katatapos lang daw nyang maglaro na basketball, wag daw akong aalis, hintayin ko daw sya. Bumagsak na ang mga luhang kanina pang nagtatangkang makaalpas hindi lang dahil sa naninikip na dibdib dulot na sama ng loob kundi sa sobrang kahihiyan na din kay Diana at sa kanyang 'girlfriend' na nakasama ko sa paghihintay. Excited ko pa namang ikinuwento sa kanila na lalabas kami na boyfriend ko. At para sa konting kahihiyan sa sarili, umuwi na 'ko.
Malalim na ang gabi, sumignal sya ng ilaw sa tapat ng bintana ng kwarto ko. Sinusundo ako. Tumakas ako at pumunta kami sa malapit na plaza. Humalik sya, tumugon ako. Ok na kami.
Ilang linggo matapos non, nawala syang parang bula. Hindi sya nagrereply sa mga text ko, hindi susagot sa mga tawag ko. Magriring, papatayin nya, at naging palaging na out of coverage area na ang numero nya. Masakit. Sobrang sakit. Hindi ko lubusang maisip kung baket ganun.Ilang linggo pa ang lumipas habang nagsusumikap akong maging ok ng isang gabi nakita ko sya.
Papauwi ako galing school. Napadako ang tingin ko sa night market ng makita ko syang andun at nakatingin saken. Parang tinakasan ako ng libo- libong bait. Buhay pa pala sya? Nilapitan nya 'ko. Nawala daw cellphone nya. Ilang araw na daw syang nagbabantay sa pinsan nyang nasa ospital. "Bakit, hindi mo ba saulo ang number ko?" Maya- maya lang ngingiti- ngiti nyang inilabas mula sa bulsa ng kanyang jacket ang isang cellphone. "Yan pa din namam cellphone mo ah?!" Gustong- gusto ko syang sapalin at murahin ng mga pagkakataong yun pero naghintay pa rin ako paliwanag nya. Pero wala. Mas naaliw pa syang makipagkwentuhan sa tindero na binilhan nya ng kendi! Hindi ko na kinaya, nagwalk out na 'ko. Tinawag ya 'ko pero hindi sinundan. Umuwi ako na muli'y isang sugatan.
Wala ng "we kissed and make up" na eksenang sumunod pero wla ding formal break up na nangyari. Wala na akong naging balita sa kanya. Nagluksa ako.
Ilang buwan ang lumipas.Paminsan- minsan pa ring nagdadalamhati ng isang araw may ikinwento saken si Jasmin. Nakusap nya daw si Morn. Tnanong kung may bf ako. Wala ang sagot nya. Meron daw sabi ni Morn. "Sino?" tanong ni Jasmin. "Di ga ako." WALANGYA!!!
Hindi pa ba sya nasisiyahan sa mga panggagagong pinahintulutan kong gawin nya saken? Matapos ang ilang beses nyang ginawang pananakit saken??
GAGO ka! Ang sama- sama mo para paasahin ako, iwan, at kung kelang nakakarecover na 'ko matapos lumuha ng balde- balde eh heto kana naman at humihirit?! Dahil ba alam mong mahal na mahal kita na mahal kita???
(ako ata ang gaga..)
* * *
Magpack-up na daw ako sabi ni Derick. "Sana ganun kadali." Sa ala-ala lang daw ang lahat. Kapag hindi ka na daw naaalaala ng isang tao, patay kana.
"Inuunod na ba ako sa gunita nya?"
I digressed on the thought.
Gaga nga ako.
* * *
It took so much courage fo me to finally relate this one here. I-congratulate mo naman ako.

No comments:

Post a Comment