Sunday, April 19, 2009

' testing '

First blog entry ko 'to...

..at kelangang pang lumipas ang kalahating araw bago ko nasundan ang ellipses na un! (Oo, promise!)

Marami sana akong gustong isulat pero wala namang maisatitik.
Nagtatalo kasi ang utak ko kung alin ang dapat ikwento at hindi.

Naenjoy ko ang debut ni Kata nung April 14, pero pwedeng hindi mo gustuhing makabasa ng tungkol lang sa babaeng nalasing at nagwala sa videoke (pero mas hindi mo sigurong gugustuhin na marinig ako nung mga oras na un, heheh).


Karaniwan na siguro sa'yo ang makabasa ng blog tungkol sa isang tropa night out sa beach, pero matatakot ka ng maligo sa dagat na mag-isa kapag ikunwento ko ang nasaksihan naming babaeng iniahon mula sa dagat na walang pang- ibabang saplot. Nung sumunod ngang gabi pagkatapos ng araw na yun hindi ko kinayang matulog mag-isa sa kwarto ( kahit na mas ok sana dahil maluwag sa higaan) at patay pa ang ilaw
(kahit na yun naman talaga ang kinasanayan ko) dahil naaalala ko ang hitsura ng babae habang pinipilit na marevive. Malaki na ang tiyan sa nainom na tubig -dagat, bumubula ang bibig (tulad ng nung sa beer) habang pinapump, maputla na ang mukha at maitim na ang paligid ng mata bago pa naisipang dalhin sa ospital. Patay ang babae, balita namin kinabukasan, nirape bago nilunod. At nabanggit ko na ba na she was just 14 years old? Bumangon ako at binuhay ang ilaw sa kwarto.

On the lighter side,
maging interesante naman kaya ang isang blog kung tungkol ito sa summer fling ko?...Nakakatuwang isipin na maaattract ako sa kanya (sabagay, we were both nursing our headaches then dahil sa alak) at maeenjoy ko ung contest namin na padamihan ng talon ng itinapong bato sa dagat kahit hindi ako marunong (Endless Love's Jeni and Jhonny ang drama??hehe) .PERO, inuunahan nakita ah, walang kissing- kissing na nangyari (nasa tamang huwisyo pa rin pala kami) . Hindi kami naging ganoong karomantically involved sa isa't- isa (Gumawa lang kami ng sand castle, ibinaon ang sarili sa buhangin nang manawa, nagwish sa shooting star nung nay nakita,at maya-maya lang nabulabog na dahil sa pinagkaguluhang bangkay ng babae.)...kaya, hindi din siguro magandang blog material, kacheapan lang, sabihin mo naman.


Eto, baka by this time magakasense na sa'yo ang isang blog at kapain mo na lang sa bulsa mo kung andun pa ba ang cp mo 'pag nakabasa ka ng ganitong blog title:
"How to overcome your grief over a LOST cellphone?"
(Napapailing at buntunghininga pa rin ako hanggang ngayon...tsk...)

Ang mga kwentong yan ang nag-uunahang mailahad kasabay ng pagmumura ko sa sobrang init at tumatagaktak na pawis.
Teka, Global Warming na lang kaya ang talakayin ko?! Parang ang sarap magmura dun ah! Murahin ang mga pabrika, sasakyan, illegal loggers, mga pulitiko na nagpapahintulot nito (pati jueteng na din), mga beauty queen na sandamakmak na spraynet ang inuubos sa mga buhok nila, at mga kakilala kong may kung ilang kahon yata ng Marlboro ang isinusunog sa mga baga nila..dahil sila (ikaw, kayo, ako) ang nag-eemit ng chemical substances sa hangin tulad na choloro, err, chlorofo, err,..CFC na nga lang! Mga kemikal kasing tuiad nito ang nakakanipis ng ozone layer kung kaya't nagagawang lumagpas sa stratoscope ( nga ba?) ng Earth ang harmful rays of sun (mga masasamang espiritu na din tulad na napanood ko dati sa Ghostfighter) na nagiging sanhi na greenhouse effect, global warming at global crisis ( joke lang!)

Marami akong gustong ikwento, pero nakakatakot dahil maaaring para sa'yo ay wala naman etong kwenta. Kaya ngayon , sa paghahanap ko ng kwentong maiibigan mo, hindi ko namalayang isang halo-halong istorya na pala ang naisalaysay ko.
Kaya kung sa simula pa lang ay tinambayan mo na 'ko malamang mahilo-hilo kana ngayon sa mga paligoy- ligoy na ginawa ko at mga samu't- saring istoryang natunghayan mo.
Pero ok din naman di ba? Parang sa sale na BUY ONE TAKE ONE, o kaya yung sa Selecta na 3 In 1+1 (happy kaarawan!) at yung ALL IN ONE ng Magic Sarap seasonimg mix (heheh)

At ngayong mukhang masuka-suka kana talaga sa hilong inabot mo sa article na ito, hayaan mong hiramin ko ang isa nating kasabihan bilang malupet na endi
Sa hinaba- haba bg prusisyon...nag-trapik tuloy!
BOW!

No comments:

Post a Comment